Ayon sa pinakahuling estadistikang ipinalabas ng Ministri ng Turismo at Palakasan ng Thailand, noong unang hati ng tanong 2017, umabot sa mahigit 17 milyong person time ang kabuuang bilang ng mga turistang pumunta sa Thailand at lumampas sa 876 bilyong Baht o mahigit 25 bilyong Dolyares ang kita ng Thailand. Kabilang dito, gumasta ng 241.2 bilyong Baht o halos 6.9 bilyong Dolyares ang mga turistang Tsino. Ito ay umabot sa 27% ng kabuuang kitang panturistang bansa.
Bilang pinakamalaking pinanggagalingan ng turista ng Thailand, may pag-asang lalampas sa 9 milyong person times ang bilang ng mga turistang Tsino sa taong ito, na lilikhang 500 bilyong Baht o 14.29 bilyong Dolyares na kita.