Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Panganib dulot ng mga terorista, dama ng rehiyon

(GMT+08:00) 2017-07-19 17:48:32       CRI

SINABI ni Singapore Defense Secretary Dr. Ng Eng Hen na ang panganib na dulot ng mga extremist ay nadarama ng buong rehiyon. Ito ang kanyang mensahe sa kanyang pagdalaw kay Defense Secretary Delfin N. Lorenzana sa Campo Aguinaldo kahapon.

Ayon sa pahayag ng Department of National Defense na inilabas kanina, makakaasa ang Pilipinas sa tulong na Singapore sa pakikidigma sa mga Maute-ISIS sa Marawi City.

Nagpasalamat si Secretary Lorenzana sa alok ng Singapore na tumulong sa larangan ng ISR o intelligence, surveillance at reconnaisance, pagdadala ng mga kagamitan para sa pagtatayo ng bagong Marawi City at pagsasanay sa pagpapahusay at pagpapabuti ng lungsod. Inialok din ni Dr. Ng and kanilang Humanitarian Assistance/Disaster Relief Center upang maipon ang mga itutulong ng iba't ibang bansa sa reconstruction ng Marawi City.

Unang itinayo ang HA/DR Center sa Singapore upang makatugon sa mga kalamidad na tatama sa ASEAN.

Sumang-ayon si Secretary Lorenzana sa alok ng Singapore at inutusan na ang mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines na suriin ang maitutulong ng singapore sa larangan ng intelligence, surveillance at reconnaisance. Inialok din at tinanggap na ni Secretary Lorenzana ang pagpapahiram ng C-130 upang magdala ng supplies at magsanay ng mga tauhan sa pagbabangon ng Marawi City.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>