|
||||||||
|
||
Sa taunang "Country Report on Terrorism" na inilabas kamakalawa, Hulyo 19, 2017, ng Kagawaran ng Estado ng Amerika, binatikos nito ang Iran na isang pangunahing bansang sumusuporta sa terorismo.
Kaugnay nito, ipinahayag Hulyo 20 ni Tagapagsalita Bahram Qassemi ng Ministring Panlabas ng Iran, na walang anumang bisa at katuturan ang paratang ng Amerika tungkol sa pakikisangkot ng Iran sa terorismo. Binabalewala aniya ng Amerika ang namumunong papel ng Iran sa pakikibaka laban sa terorismo sa rehiyon.
Sinabi niya na nitong 40 taong nakalipas, bilang isang nabiktimang bansa ng terorismo, naging matatag ang determinasyon ng Iran sa pagbibigay-dagok sa terorismo at ekstrimismo. Patuloy na kakatigan ng Iran ang pamahalaan ng Iraq at Syria sa pagbibigay-dagok sa "Islamic State (IS)," dagdag pa niya.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |