Ayon sa ulat ng adwana ng probinsyang Guangxi ng Tsina, mula noong unang araw ng Enero hanggang Hunyo ng taong 2017, umabot sa 178.6 bilyong yuan RMB o mahigit 26 bilyong dolyares ang kabuuang bolyum ng kalakalan ng Guangxi sa labas na lumaki ng 30% kumpara sa gayon ding panahon ng tinalikdang taon. Kabilang dito, lumampas sa 89 bilyong yuan RMB o mahigit 13 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng pagluluwas at pag-aangkat nito sa mga bansang ASEAN, na lumaki ng 10.1%.
Noong taong 2016, dahil sa paglipat ng ilang industriya o order sa bansang Timog silangang Asya o Timog Asya, at mabilis na pag-unlad ng manufacturing industry ng mga kapitbansa, bumaba ng 12.8% ang pagluluwas at pag-aangkat ng Guangxi. Pero, noong unang hati ng taong ito, dahil sa pagpapabuti ng pangangailangang panlabas, pagtaas ng bolyum at presyo ng pagluluwas at pag-aangkat ng mga bulk commodity, at paglaki ng bolyum at kalidad ng processing trade, lumitaw ang malaking paglaki ng kalakalang panlabas ng Guangxi.