Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagdalaw ni Minister Wang Yi, matagumpay

(GMT+08:00) 2017-07-26 15:46:49       CRI

PATULOY na makikiisa ang bansang Tsina sa mga ipatutupad na pagawaing-bayan sa ilalim ng Build, Build, Build project ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ang tiniyak ni Chinese Foreign Minister Wang Yi sa Maynila mula kahapon hanggang kanina.

Sa kanyang pagharap sa mga mamamahayag matapos ang kanyang pakikipag-usap kay Secretary of Foreign Affairs Alan Peter Cayetano, sinabi ni Minister Wang na masisimulan na ang pagtatayo ng dalawang tulay na tatawid sa Pasig River bago matapos ang buwang ito.

Ipinaliwanag pa niyang magiging aktibo ang Tsina sa pagtatayo ng daang-bakal mula Maynila hanggang Bicol Region, lalahok din sa New Centennial Water Source na kilala sa pangalang Kaliwa Dam sa Quezon Province at maging sa Chico River pump irrigation sa hilagang Luzon.

Sa larangan ng pagsasaka at pangisdaan, sinabi ni Minister Wang na magpapadala ang Tsina ng may 100,000 similya ng lapu-lapu sa mga mangingisda ng Palawan upang matulungan silang madagdagan ang kita at mapataas ang produksyon ng isda.

Unti-unti umanong lumalaki ang mga inaangkat ng Tsina mula sa Pilipinas sapagkat tumaas na naman ang mga panindang binili ng Tsina ng may 10.7%. Kabilang sa mga paboritong produkto ng mga Tsino ang saging, pinya, mangga at iba pang mga prutas. Umaasa rin si Minister Wang na bibili ang Tsina ng dragon fruit, durian, niyog at maging abokado.

Sa unang apat na buwan ng taong 2017, halos 400,000 mga Tsinong turista ang dumalaw sa Pilipinas na kinakitaan ng may 40% dagdag sa bilang na nakamtan noong nakaraang taon.

MAS MAGIGING MAGANDA ANG PAGTUTULUNGAN NG TSINA AT PILIPINAS.  Ito naman ang mensahe ni Minister Wang Yi at Foreign Secretary Alan peter Cayetano sa kanilang idinaos na bilateral meeting kanina.  (Melo M. Acuna)

MINISTER WANG, LUMAGDA SA GUESTBOOK.  Bilang pagsunod sa tradisyon, lumagda si Foreign Minister Wang Yi sa guestbook ng Department of Foreign Affairs habang nakamasid si Secretary Alan Peter S. Cayetano.  (Melo M. Acuna)

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>