Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Koponan mula North Korea, dumalaw sa Maynila

(GMT+08:00) 2017-07-27 15:39:57       CRI

ISANG delegasyong pinamunuan ni Vice Foreign Minister Choe Hui Choi ng North Korea ang dumating sa Maynila kanina at nakipag-usap kay Foreign Undersecretary for Policy Enrique Manalo.

Ayon sa tagapagsalita ng Department of Foreign Affairs Robespierre Bolivar, layunin ni G. Choe na pag-usapan ang mga paghahanda sa pagdalaw at paglahok ni Foreign Minister Ri Su-yong sa idadaos na ASEAN Regional Forum sa susunod na linggo.

Magugunitang binanggit ni Pangulong Donald Trump na mamimili siya ng paraan upang tugunan mga pagbabanta ng North Korea sa America at mga kaalyado sa Asia. Kabilang sa kanyang pinamimilian ang military strike.

Sa idinaos na ASEAN summit noong Abril, sinabi ng mga pinuno ng sampung bansa sa rehiyon na ang mga pagsubok ng mga armas na nuklear ng North Korea ang dahilan ng kawalan ng katatagan sa rehiyon at mga kalapit na pook.

Ipinaliwanag ni G. Bolivar na karaniwang dumadalo ang Democratic People's Republic of Korea sa mga pulong ng ASEAN Regional Forum. Idinagdag pa niyang lumalahok ang North Korea sa Senior Officials and Ministerial Meetings.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>