Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Maulang panahon, magpapatuloy

(GMT+08:00) 2017-07-28 08:55:49       CRI

METRO MANILA, BINAHA. Kuha ang larawang ito sa tapat ng Manila City Hall na binaha matapos ang tuloy-tuloy na ulan mula kahapon. Maraming länsångan sa Metro Manila ang binaha at naging dahilan ng pagkakasuspinde ng pasok sa mga tanggapen ng pamahalaan at paaralang pangpubliko. (Melo M. Acuna)

MAKAKAPAL NA ULAP BUMALOT SA METRO MANILA AT KALAPIT-POOK. Karaniwang makikita sa himpapawid ng Metro Manila at ibang bahagi ng Luzon ang makakapal na ulap na ngbabadya ng ulan. Dala ito ng panahong habagat. (Melo M. Acuna) KUMILOS na ang bagyong "Gorio" sa direksyon ng hilagang bahagi ng bansa at patungo na sa Taiwan. Kahit hindi direktang tatamaan ang Pilipinas, magpapatuloy itong humatak ng ulang dala ng panahong habagat hanggang sa Sabado.

Kaninang umaga'y nakita ang sama ng panahong si "Glorio" may 615 kilometro sa silangan ng Tuguegarao City sa Cagayan na may hanging aabot sa 85 kilometro bawat oras at pagbugsong hanggang 105 kilometro bawat oras. Inaasahan itong kikilos sa bilis na siyam na kilometro bawat oras at kikilos tungo sa direksyong north-north-east papalayo sa Philippine Area of Responsibility.

Magkakaroon ng banayad hanggang sa malakas na pag-ulan sa kanlurang Luzon kabilang na ang Metro Manila at magkakaroon din ng manaka-nakang pag-ulan sa iba pang bahagi ng Luzon at Visayas.

Naunang nagpalabas ng panawagan ang PAGASA sa mga mamamayang umiwas na sa mga pook na may flash floods a pagguho ng lupa partikular sa Cordillera Region.

May panibagong Low Pressure Area na nakita sa silangang bahagi ng Luzon na magpapalakas pa sa panahong Habagat.

Ilang bahagi ng Metro Manila, silangan at katimugang Luzon ang makararanas ng mga pag-ulan sa mga susunod na araw.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>