Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Solicitor General humiling ng tulong sa Court of Appeals

(GMT+08:00) 2017-07-28 20:20:46       CRI

HINILING ni Solicitor General Jose Calida sa Court of Appeals na maglabas ng kautusan na magpapatupad ng desisyon ng isang hukuman sa Makati City na nagsasabing kailangang mapatalsik na ang realty firm na pag-aari ng mga Prieto at Rufino mula sa kontrobersyal na Mile Long Island.

Nagpadala ng urgent motion ang Office of the Solicitor General noong unang araw ng Hunyo na humihiling ng pagpapatupad ng isang desisyon noong 2015 ng Makati Metropolitan Trial Court laban sa Sunvar Realty Development Corporation. Sinabi pa ni Atty. Calida na ang mahistradong gagawa ng desisyon ay nanatiling walang pakialam at 'di kumilos ayon sa itinatadhana ng batas.

Idinagdag pa ni G. Calida na nakalulungkot ang ginagawa ng Sunvar Realty sa pamamalagi sa gusali na tinawag niyang Philippine Daily Squatter – isang biro sa kapatid na kumpanya ng mga Prieto, ang Philippine Daily Inquirer. May utang umano ang Sunvar na nagkakahalaga ng P1.656 bilyon sa 'di nabayarang upa. Hindi pa kasama rito ang interes.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>