Sa panahon ng Ika-10 Linggo ng Kooperasyong Pang-edukasyon ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), na idinaraos sa Guizhou, Tsina, pormal na itinatag kamakailan ang Liga ng Tsina at ASEAN sa Kooperasyon sa Bokasyonal na Edukasyon.
Ang pagtatatag ng ligang ito ay batay sa mungkahing iniharap noong 2014, ng ASEAN-China Centre, Regional Centre for Vocational and Technical Education and Training ng Southeast Asian Ministers of Education Organization, Ministri ng Edukasyon ng Tsina, at China Education Association for International Exchange. Pagkaraan ng halos tatlong taong paghahanda, naitatag ito para pasulungin ang kooperasyon ng Tsina at mga bansang ASEAN sa bokasyonal na edukasyon.
Salin: Liu Kai