Sa panahon ng Ika-10 Linggo ng Kooperasyong Pang-edukasyon ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), na idinaraos sa Guizhou, Tsina, itinatag kamakailan ang China-ASEAN University League for Innovation and Enterpreneurship Education.
Kalahok sa ligang ito ang 22 pamantasan mula sa Tsina at 10 bansang ASEAN. Palalakasin ng mga pamantasang ito ang pagtutulungan, at patitingkarin ang kani-kanilang bentahe, para sa paghubog ng mga international talent, na mahusay sa pagpapatakbo ng malaking negosyo.
Salin: Liu Kai