Itinatag kamakailan sa Guizhou, Tsina ang Akademiya ng Siyensiya at Teknolohiya ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Naging unang mga miyembro ng akademiyang ito ang mga pamantasan mula sa Tsina, Pilipinas, Singapore, Thailand, at Malaysia.
Sinabi ni Chantavit Sujatanond, Puno ng Regional Centre for Higher Education and Development ng Southeast Asian Ministers of Education Organization, na ang nasabing akademiya ay ibayo pang magpapalalim ng kooperasyon ng Tsina at mga bansang ASEAN sa siyensiya, teknolohiya, at edukasyon. Umaasa aniya siyang makakabuti ito sa isang rehiyonal na plataporma para sa "industry-university-research" cooperation.
Salin: Liu Kai