Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Duterte at mga senador, magpupulong

(GMT+08:00) 2017-08-02 09:19:52       CRI
MAG-UUSAP sina Pangulong Rodrigo Duterte at mga pinuno ng Senado sa Malacanang isang araw matapos kilalanin ng isang saksi ang mga opisyal ng Bureau of Customs na sangkot sa pagpupuslit ng may P 6.4 bilyon halaga ng shabu papasok sa bansa.

Ayon kay Senate Majority Leader Vicente "Tito" Sotto III suportado niya ang panawagang magbitiw na si Customs Commissioner Nicanor Faeldon sa gitna ng kontrobersya.

Nakatakdang maganap ang pulong kaninang ikalima ng hapon. Nakatakdang makausap ni Pangulong Duterte si G. Faeldon nang mas maaga sa mga senador. Hindi dumalo sa pagdinig sa Mababang Kapulungan si G. Faeldon sapagkat ipinatawag siya sa Palasyo. Makakasama sa pulong si Finance Secretary Carlos Dominguez III.

Natagpuan ng Bureau of Customs, National Bureau of Investigation at Philippine Drug Enforcement Agency ang may 604 kilong shabu na nakatago sa bodega sa Valenzuela City.

Naging kontrobersyal ang isyu kung paano nakalusot sa mga tauhan ng Customs ang kargamento. Pinadadalo rin sa pulong sina Senate President Aquilino Pimentel III at Minority Leader Franklin M. Drilon.

Magugunitang tumagal ng limang oras ang pagdinig ng Senado kahapon. Sa idinaos na executive session, isang customs broker ang nagsabing sangkot ang mga opisyal ng Bureau of Customs sa pagpupuslit ng P 6.4 bilyong halaga ng shabu.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>