NILAGDAAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 10928 na nagbibigay ng buhay sa mga pasaporte ng Pilipinas ng sampung taon. Ang mga pasaporte ng wala pang 18 taong gulang ay magkakabisa lamang ng hanggang limang taon.
Nilagdaan din ni Pangulong Duterte ang pagpapahaba ng bisa ng mga lisensya sa pagmamaneho mula tatlo hanggang limang taon, ayon sa itinatadhana ng Republic Act 10930. Nilagdaan na rin ni Pangulong Duterte ang Republic Act 10929 na nagbibigay ng libreng internet access sa public places. Magkakabisa ang mga ito mga 15 araw matapos ilathala sa Official Gazette.