Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

ASEAN, nanawagan sa iba't ibang may kinalamang panig sa Korean Peninsula na isagawa ang diyalogo

(GMT+08:00) 2017-08-06 10:19:45       CRI
Sa pahayag na inilabas Sabado, Agosto 5, 2017 sa Manila ng mga ministrong panlabas ng mga bansang ASEAN, ipinahayag nila ang malaking pagkabahala sa paglala ng tensyon sa Korean Peninsula.

Nanawagan sila sa iba't ibang may kinalamang panig na panatilihin ang pagtitimpi at likhain ang mga kondisyon para mapanumbalik ang diyalogo at mapahupa ang kasalukuyang tensyon sa rehiyong ito.

Inulit ng mga bansang ASEAN na kinakatigan nila ang pagsasakatuparan ng ligtas sa sandatang nuklear sa Korean Peninsula sa mapayapang paraan. Ipinahayag din ng ASEAN na nakahanda itong gumanap ng konstruktibong papel sa katatagan at kapayapaan ng Korean Peninsula.

Bukod dito, matinding hiniling ng ASEAN sa Hilagang Korea na komprehensibnog isakatuparan ang mga obligasyon na itinakda ng mga resolusyon ng UN Security Council, para magbigay ng ambag para sa sustenableng kapayapaan, katatagan, pagkakaibigan at kasaganaan ng rehiyong Asya-Pasipiko.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>