Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Wang Yi, nakipagtagpo sa mga ministrong panlabas ng Singapore, Cambodia at Laos

(GMT+08:00) 2017-08-06 17:13:20       CRI
Sa Manila, Pilipinas—Magkahiwalay na nakipagtagpo ngayong araw, Agosto 6, 2017 si Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, sa kanyang mga counterpart na sina Dr. Vivian Balakrishnan mula sa Singapore, Prak Sokhonn mula sa Cambodia, at Saleumxay Kommasith mula sa Laos.

Sa pagtatagpo ng mga ministrong panlabas ng Tsina at Singapore, sinabi ni Wang na ang pagpapalalim ng pagtitiwalaan ng dalawang bansa ay mahalaga para sa malusog na pag-unlad ng kanilang relasyon sa hinaharap. Dagdag pa niya, hinahangaan ng panig Tsino ang posibong pagsisikap ng Singapore para pasulungin ang relasyon ng Tsina at ASEAN.

Sinabi naman ni Vivian Balakrishnan na umaasa ang kanyang bansa na ibayo pang mapapatatag at mapapalalim ang bilateral na relasyon at kooperasyon sa ilalim ng balangkas ng "Belt and Road" Initiative.

Sa pakikipagtagpo naman ni Wang sa ministrong panlabas ng Cambodia, sinabi ni Wang na nakahanda ang Tsina na ibayo pang palawakin ang aktuwal na kooperasyon sa Cambodia. Dagdag pa niya, kinakatigan ng Tsina ang pagpili ng Cambodia sa landas ng pag-unlad na nakatuon sa sariling pambansang kalagayan.

Ayon naman kay Prak Sokhonn, nakahanda ang Cambodia na patuloy na pahigpitin, kasama ng Tsina, ang mga kooperasyon sa iba't ibang larangan. Sinabi pa niyang kinakatigan ng kanyang bansa ang konstruksyon ng "Belt and Road" Initiative para pasulungin ang kasaganaan ng mga kasangkot na bansa.

Sa pagtatagpo ng mga ministrong panlabas ng Tsina at Laos, sinabi ni Wang na nakahanda ang Tsina na patuloy na tulungan ang pag-unlad ng Laos at pagbuti ng pamumuhay ng mga mamamayang Lao.

Sinabi naman ni Saleumxay Kommasith na ang Tsina ay mahalagang kaibigan ng kanyang bansa at ASEAN. Nakahanda aniya ang kanyang bansa na patingkarin ang konstruktibong papel sa pagpapasulong ng relasyon ng Tsina at ASEAN.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>