Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Halos 400-taong gulang na kastilyo, naging bagong lugar panturista

(GMT+08:00) 2017-08-07 11:04:16       CRI
Sa lalawigang Shanxi sa kanlurang Tsina, isang kastilyong may halos 400 taong kasaysayan ang naging bagong lugar na panturista, pagkaraan ng renobasyon.

Ang naturang kastilyo ay tinatawag na Xiangyu Castle. Matatagpuan ito sa Qinshui County sa timog silangang bahagi ng lalawigang Shanxi. Sinimulan ang konstruksyon ng kastilyong ito noong 1623 at natapos noong 1634, sa panahon ng Ming Dynasty ng Tsina. Pinatayo ito ng lokal na pamilyang may apelyidong Sun, para sa kanilang mga kamag-anakan at kababayan. Kilalang kilala ang pamilyang Sun sa lokalidad, dahil sa apat na kapatid ng pamilya, tatlo ang naging mataas na opisyal sa sentral na pamahalaan ng Ming Dynasty.

Halos 32.5 libong metro kuwadrado ang kabuuang saklaw ng kastilyong ito, na yari sa laryo, bato, lupa, at kahoy. Itinayo ito sa paanan ng burol, at nakaharap sa ilog. Ang mga arkitektura sa loob ng kastilyo ay kinabibilangan ng mga mansyon, karaniwang tahanan, templo, ancestral hall, paaralan, at iba pa.

Simula noong 2014, batay sa mga nananatiling lumang arkitektura at kalyeng nilatagan ng bato, isinagawa ang malaking renobasyon sa kastilyo. Sa kasalukuyan, halos tapos na ito, at bubuksan bilang isang lugar na panturista.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>