Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

ASEAN, umaasang higit na magiging malapit sa Tsina

(GMT+08:00) 2017-08-07 18:38:46       CRI

KINIKILALA ng ASEAN ang lumalaking papel na ginagampanan ng Tsina sa Asia. Ayon sa bahagi ng 46 na pahinang communiqué ng ASEAN Foreign Ministers, ang kaunlarang nakakamtan ng Tsina ay napakikinabangan din ng kani-kanilang mga bansa.

Inilabas ang communiqué kagabi. Kailangang isulong ng ASEAN at Tsina ang economic integration at ang pagkakaroon ng high-level dialogues at pagpapalitan ng mga pananaw sa pagitan ng dalawang grupo.

Mahalaga ang pagkakabisa ng "Protocol to Amend the Framework Agreement on Comprehensive Economic Cooperation and Certain Agreements" sapagitan ng ASEAN at People's Republic of China. Kilala ang dokumentong ito sa pangalang ACFTA Upgrade Protocol. Magkakahalaga ang kalakalan ng Tsina at ASEAN ng US$ 1 trilyon at investments na aabot sa US$ 150 bilyon sa taong 2020.

Umaasa rin ang ASEAN sa pagpapatupad ng ASEAN – China Air Transport Agreement. Ipinagpasalamat din nila ang deklarasyon ng 2018 bilang "Year of Tourism Cooperation."

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>