Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Foreign Minister Wang Yi ng Tsina at Foreign Secretary Rex Tillerson ng Amerika, nag-usap

(GMT+08:00) 2017-08-07 09:31:29       CRI

Manila, Pilipinas-Sa sidelines ng Foreign Ministers' Meeting ng Silangang Asya, nakipag-usap Agosto 6, 2017 si Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina sa kanyang American counterpart na si Rex Tillerson.

Ipinahayag ni Wang na nananatiling mainam ang relasyong Sino-Amerikano. Matagumpay aniya ang pagtatagpo ng pangulong Tsino at Amerikano sa Hamburg, Alemanya, at narating ng dalawang panig ang bagong komong palagay hinggil sa bilateral na pagtutulungan. Bukod dito, mabunga rin aniya ang kauna-unahang diyalogo ng Tsina at Amerika sa larangan ng diplomasiya, seguridad, at kabuhayan. Aniya pa, ilang sensitibong isyu ang ginanap sa pagtutulungan ng Tsina at Amerika, at kailangang maayos na hawakan ang mga ito.

Ipinahayag naman ni Tillerson na ang pagtakwil sa sagupaan at komprontasyon sa pagitan ng Amerika at Tsina ay hindi lamang angkop sa komong interes ng dalawang bansa, kundi makakatulong din sa kapayapaan at kaunlaran ng daigdig. Umaasa aniya siyang isasaalang-alang ng Tsina at Amerika ang pagpapasulong sa relasyong Sino-Amerikano sa darating na 50 taon. Inaasahan din ni Tillerson na mapapatingkad ang mga mekanismong pandiyalogo ng Tsina at Amerika para palalimin ang pagtutulungan, at magbigay-ginhawa sa mga mamamayan ng dalawang bansa at daigdig.

Nang mabanggit ang isyu ng South China Sea, ipinahayag ng ministrong Tsino na tumatatag ang kalagayan ng rehiyong ito, sa pamamagitan ng magkasamang pagsisikap ng Tsina at mga may-kinalamang bansa ng ASEAN. Umaasa aniya siyang igagalang ng Amerika ang nasabing pagsiskap, at gaganap ito ng konstruktibong papel sa pangangalaga sa katatagan at kaunlaran ng rehiyon.

Sa isyu naman sa Peninsula ng Korea, ipinahayag ni Wang na gumaganap at gaganap ang Tsina ng sariling ambag para sa maayos na paglutas sa nasabing isyu, batay sa obdiyektibo, makatarungan at responsableng atityud. Aniya, ang pagpapataw ng sangsyon ay hindi makakatulong sa paghawak ng problema. Dagdag pa ni Wang, umaasa ang Tsina na isasaalang-alang ng Amerika ang "double suspension" na itinataguyod ng Tsina. Ang "double suspension ay tumutukoy sa suspension ng Hilagang Korea ng nuclear missile activities at suspension ng Amerika at Timog Korea ng kanilang malawakang pagsasanay militar.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>