Ayon sa pahayag ng Sekretaryat ng China-ASEAN Exposition (CAExpo), 8 bansang ASEAN na kinabibilangan ng Brunei, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Thailand at Biyetnam ang mayroong sariling pavilion sa darating na ika-14 na CAExpo. Ang pavilion ng Biyetnam ay pinakamalaki sa mga pavilion ng naturang 8 bansa.
Ang ika-14 na CAexpo ay idaraos sa lunsod ng Nanning ng Tsina mula ika-12 hanggang ika-15 ng Setyembre. Ang tema ng CAExpo ay "Magkasamang Konstruksyon ng 21st Century Maritime Silk Road; Makakatulong ang Turismo sa Integrasyon ng Kabuhayang Panrehiyon."
Ang Brunei ay country of honor ng nasabing CAExpo, at ang Kazakhstan ay espesyal na partner.