Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina at Ministrong Panlabas Kyung-wha Kang ng T.Korea, nag-usap

(GMT+08:00) 2017-08-08 09:55:12       CRI

Manila, Pilipinas-Sa sidelines ng Foreign Ministers' Meeting ng Silangang Asya, nakipag-usap Agosto 6, 2017 si Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina sa kanyang counterpart ng Timog Korea na si Kyung-wha Kang. Ipinahayag ni Wang na bilang magkapitbansa, kailangan at mahalaga ang isinagawang pagpapalitan ng Tsina at Timog Korea sa mga suliraning may-kinalaman sa Peninsula ng Korea.

Sinabi ni Wang na ipinatalastas kamakailan ng Timog Korea ang pagtatalaga ng THAAD launcher ng Amerika sa bansa, at ito ay lumalapastangan sa interes ng Tsina sa estratehikong seguridad. Aniya, hindi dapat ito maging paraan sa pakikitungo sa isa't isa ng magkapitbansa, at hindi rin ito ang katwiran sa pagitan ng estratehikong magkatuwang. Umaasa aniya ang Tsina na isasagawa ng Timog Korea ang katam-tamang aktibidad na angkop sa pundamental na interes ng bansa. Aniya, inaasahan ding isasaalang-alang ng Timog Korea ang "double suspension proposal" na itinataguyod ng Tsina.

Ipinahayag naman ni Kyung-wha Kang na ang nasabing pagtatalaga ay bilang tugon sa banta mula sa Hilagang Korea, at ang pagtatalaga ng THAAD o hindi ay mababatay sa resulta ng environment estimation ng bansa. Umaasa aniya ang Timog Korea na mas mahigpit ang pakikipagpalitan sa Tsina para lutasin ang mga alitan ng dalawang panig, para sa totohanang pagpapabuti ng bilateral na relasyon ng dalawang bansa.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>