Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Resolusyon bilang 2371 ng UN, komong paninindigan ng UN Security Council-Tagapagsalitang Tsino

(GMT+08:00) 2017-08-08 09:56:44       CRI

Pinagtibay Agosto 6, 2017 ng UN Security Council ang resolusyon bilang 2371 na nagpapataw ng sangsyon bilang tugon sa nuclear missile activities na isinagawa kamakailan ng Hilagang Korea.

Kaugnay nito, ipinahayag Agosto 7, 2017 ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na ito ay nagpapakita ng panlahat na palagay ng mga miyembro ng UN Security Council sa pangangalaga sa katatagang panrehiyon, pagpapasulong ng ligtas na sandatang nuklear ng peninsula, at pangangalaga sa di-pagpapalaganap ng sandatang nuklear sa daigdig.

Ani Geng, palaging suportado ng Tsina ang paglutas sa isyung nuklear ng Hilagang Korea, sa pamamagitan ng mapayapang diyalogo. Para rito, iniharap aniya ng Tsina ang mga konstruktibong mungkahing kinabibilangan ng "double suspension" na itigil ng Hilagang Korea ang nuclear activities at itigil naman ng Amerika at T.Korea ang magkasanib na ensayong militar, at "double track mechanism" na isakatuparan ang ligtas na sandatang nuklear at itatag ang mekanismong pangkapayapaan sa peninsula. Umaasa aniya ang Tsina na susuportahan ng komunidad ng daigdig ang nasabing mga mungkahi.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>