Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina at Mataas na Kinatawan Federica Mogherini ng Unyong Europeo, nag-usap

(GMT+08:00) 2017-08-08 09:57:40       CRI

Manila, Pilipinas-Sa sidelines ng Foreign Ministers' Meeting ng Silangang Asya, nakipag-usap si Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina kay Federica Mogherini, Mataas na Kinatawan ng Unyong Europeo(EU) sa mga Suliraning Diplomatiko at Panseguridad. Nagpalitan sila ng kuru-kuro, pangunahin na hinggil sa isyung nuklear sa Peninsula ng Korea. Ipinahayag ni Wang na positibo ang Tsina sa ganap na pagpapatupad sa mga may-kinalamang resolusyon ng UN sa isyung nuklear ng peninsula. Aniya, ang "double suspension proposal" na itinataguyod ng Tsina hinggil sa pagtigil ng Hilagang Korea ng nuclear activities at pagtigil naman ng Amerika at T.Korea ng malawakang ensayong militar ay hindi lamang makakatulong sa pagbibigay-galang sa security concern ng mga may-kinalamang panig at pag-iwas ng vicious cycle ng situwasyon, kundi maging sa paghahanap ng breakthrouth para panumbalikin ang talastasang pangkapayapaan.

Ipinahayag naman ni Federica Mogherini na positibo ang EU sa konstruktibong papel ng Tsina sa nasabing isyu. Aniya, isinagawa ng Tsina at EU ang matagumpay at mabisang pagtutulungan sa isyung nuklear ng Iran, at inaasahan niyang maisasakatuparan din ng dalawang panig ang katulad na pagtutulungan sa isyu ng Peninsula ng Korea, sa pamamagitan ng pinalakas na pagpapalitan at malikhaing paraan.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>