|
||||||||
|
||
Sa pagpupulong na naganap sa Malacanang, sinabi ni Pangulong Duterte na sa hiwalay na pagdalaw nina US Secretary of State Rex Tillerson at Australian Foreign Minister Julie Bishop, bahagyang nabanggit ng dalawang panauhin ang isyu ng human rights.
Naging madugo ang kampanya ni Pangulong Duterte laban sa illegal drugs at nabanggit niyang matutuwa siyang pumatay ng mga drug addict samantalang sinabing ang mga menor de edad na napapaslang ay pawang collateral damage lamang. Ang bagay na ito ang naging dahilan upang punahin si Pangulong Duterte ng iba't ibang pamahalaan.
Tumanggi si Australian Minister Bishop na magpahayag hinggil sa kanyang pagdalaw kay Pangulong Duterte samantalang sinabi ng kampo ni Ginoong Tillerson na basahin na lamang ang kanilang pahayag bago dumalaw ang opisyal sa Pilipinas.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |