Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Department of National Defense, niliwanag ang balitang lumabas

(GMT+08:00) 2017-08-09 10:30:02       CRI
ITINANGGI ng Department of National Defense na nagkaroon ng mga pag-uusap sa paggamit ng US drones upang masugpo ang mga tinaguriang Daesh-inspired terrorist groups sa bansa.

Sinabi rin ng Armed Forces of the Philippines na walang anumang pag-uusap na naganap sa kanilang hanay.

Sinabi ni AFP Chief of Staff General Eduardo Ano na walang ganyang nababanggit sa Mutual Defense Treaty. Ang direct military actions ay pinapayagan lamang kung mayroong pananalakay ang ibang bansa sa nasasakupan ng Pilipinas. Kailangang dumaan sa proseso ang paggamit ng makabagong sandata laban sa terorismo, dagdag pa ng pahayag. Kailangang sumang-ayon ang mga pinuno ng dalawang bansa bago ito maganap.

Inulit ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na walang anumang pag-uusap sa air strikes mula sa anumang antas na naganap sa kanyang posisyon

Nagpasalamat ang tanggulang pambansa at armed forces sa layunin ng Estados Unidos na tulungan ang Pilipinas sa paglaban sa Daesh-ISIS inspired terrorists sa Pilipinas.

Kahit na matatag ang Philippines-US Security relations at counter terrorism efforts, limitado ang tulong sa technical assistance at pagpapalitan ng impormasyon at pagsasanay ngmga tauhan.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>