Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Dalawang paraan lamang ang magagamit sa pagbabago ng saligang batas

(GMT+08:00) 2017-08-10 18:02:50       CRI

SINABI ni Senate Minority Leader Franklin M. Drilon na dadalawa lamang ang paraan ng pagsusog sa Saligang Batas. Sa isang panayam, sinabi ng mambabatas na ang isa ay ang paghalal ng mga dadalo sa Constitutional Convention at ang Kongreso na magiging isang constituent assembly na tatawagin bilang constituent assembly.

Ang panukalang constitutional commission ay isang lupon lamang na mag-aaral at magsusumite sa Kongreso ng mga panukalang probisyong sususugan ayon sa kagustuhan ng pangulo.

Binanggit ni G. Drilon na noong siya pa ang pinuno ng Committee on Constitutional Amendments, sinabihan siya ng executive secretary na naghahanda sila ng mga papangalanang makakasama sa constitutional commission.

Hindi pa niya nababatid kung anong anyo ng mga sususugang bahagi ng saligang batas. Wala pa rin siyang nababalitang hinirang para sa pag-aaral ng mga probisyon sa Saligang Batas ng 1987.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>