Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Dalawang pulis, nasawi sa ambush sa Catanduanes

(GMT+08:00) 2017-08-10 18:04:12       CRI

NASAWI ang dalawang tauhan ng pulisya sa Catanduanes matapos tambangan ng mga pinaghihinalaang kasapi ng New People's Army kanina.

Ayon sa naunang balita, kaninang pasado alas onse ng umaga, samantalang naglalakbay ang mga tauhan ng pulisya sakay ang sampung sumukong drug victims, sumabog ang isang improvised explosive device at nasundan ng putok mula sa may 20 armadong NPA. Nasugatan umano ang isang pulis at dalawang sumukong drug dependents.

Sa follow-up report, tumugon si Police Sr. Inspector Montes at nakabalik sa kanyang tanggapan. Nabatid na sa sumunod na sagupaan, napaslang ang dalawang pulis samantalang isinugod si Sr. Inspector Montes sa Viga District Hospital upang magamot sa tama ng balang natamo sa sagupaan.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>