Ngayong araw, Sabado, ika-12 ng Agosto 2017, ay International Youth Day. Sa bisperas nito, binuksan kahapon sa New York, Amerika, ang Youth Assembly at the United Nations (UN).
Sa kanyang video message sa aktibidad na ito, nanawagan sa kabataan si Antonio Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng UN, na magpatingkad ng mahalagang papel para sa mapayapang daigdig. Sinabi rin niyang kailangang magkasamang magsikap ang mga pamahalaan ng iba't ibang bansa at kabataan, para isakatuparan ang mga target ng UN sa sustenableng pag-unlad.
Salin: Liu Kai