Ayon sa pinakahuling datos na inilabas Biyernes, Agosto 11, 2017 ng Ministri ng Kalakalan ng Ethiopia, noong taong 2016, ang kabuuang bolyum ng bilateral na kalakalan nito sa Tsina ay umabot sa 5.4 bilyong US Dollars.
Ayon sa nabanggit na departamento, sapul nang itatag ang Porum ng Kooperasyon ng Tsina at Aprika noong 2010, patuloy na lumalaki ang bolyum ng bilateral na kalakalan ng dalawang bansa.
Ang mga produktong iniluluwas ng Ethiopia sa Tsina ay kinabibilangan ng mga produktong agrikultural at leather.
Bukod dito, lumaki rin ang pamumuhunan ng mga bahay-kalakal ng Tsina sa imprastruktura at industriya ng Ethiopia.