Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ika-3 International Overseas Chinese Trade Fair, binuksan

(GMT+08:00) 2017-08-13 16:28:45       CRI
Binuksan ngayong umaga, Agosto 13, 2017 sa Shenzhen, Tsina, ang Ika-3 International Overseas Chinese Trade Fair (OCTI) na nilalahukan ng 615 bahay-kalakal mula sa 27 bansa at rehiyon ng buong daigdig.

Sa seremonya ng pagbubukas, sinabi ni Li Zhuobin, Pangalawang Tagapangulo ng All-China Federation of Returned Overseas Chinese, na sasamantalahin ng kasalukuyang perya ang pagkakataon ng "Belt and Road" Initiative para mapasulong ang pagpapalagayan at kalakalan ng mga mangangalakal sa loob at labas ng Tsina.

Sinabi rin niyang umaasa siyang mapapasulong ng mga overseas Chinese ang kooperasyon sa pagitan ng Tsina at mga bansang may kinalaman sa "Belt and Road" Initiative.

Ang kasalukuyang perya ay nagtatampok sa transnasyonal na e-commerce at kabuuang industrial chain para ipagkaloob ang mga serbisyo sa pagpasok ng mga dayuhang produkto sa pamilihang Tsino.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>