Ipinagdiwang noong nagdaang Sabado, ika-12 ng Agosto 2017, sa isang nayon sa lalawigang Guizhou, sa timog kanlurang Tsina, ang Kapistahan ng Pangingisda.
Ang karamihan sa mga naninirahan sa naturang nayon ay kabilang sa etnikong Miao, isang pambansang minorya ng Tsina. Ang kapistahang ito ay alaala ng pagpapalit ng hanap-buhay ng mga lokal na residente mula sa pangingisda, tungo sa pagsasaka.
Sa araw na ito, ang mga etnikong Miao ay nagsusuot ng kanilang tradisyonal na damit, at nagpupunta sa lokal na ilog, para mangisda. Sumasamba rin sila sa pinaniniwalaan nilang "Diyos ng Ilog."
Webeditor: Liu Kai