Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kasambahay na pinahirapan ng amo, nagwagi sa kaso

(GMT+08:00) 2017-08-14 20:37:10       CRI

HINATULAN ng isang hukuman sa Quezon City ang isang babaeng napatunayang nagpahirap sa kanilang kasambahay na iligal nilang piniit sa kanilang tahanan.

Sa kautusan ni Judge Ferdinand Baylon ng Regional Trial Court Branch 77, hinatulan si Annaliza Marzan sa usaping serious illegal detention sa kanilang kasambahay na si Bonita Baran. Makukulong si Marzan ng mula 20 hanggang 40 taon. Matapos makulong ng 30 taon, maaari siyang humingi ng kapatawaran sa pamahalaan.

Samantalang makukulong din ang kanyang mister na si Reynold na napatunayng nagkasala bilang accomplice at mabibilanggo ng walo hanggang 14 na taon at isang araw.

Inakusahan ni Bonita Baran ang mag-asawa noong ika-23 ng Agosto, 2012 ng pagkukulong sa kanya sa loob ng kanilang tahanan sa Quezon City. Napatunayan ng hukumang nagsabwatan ang mag-asawa sa dalawang pagkakataon na pagbawalang umalis ang kasambahay noong 2009 at 2012. Pinayagan lamang ng mag-asawa na makaalis ang kasambahay noong Mayo ng 2012.

Inutusan ng hukuman ang mag-asawa na magbayad ng moral damages na nagkakahalaga ng P 50,000 at exemplary damages na nagkakahalaga rin ng P 50,000.

Ayon sa hukuman, hindi magbibigay ng hatol sa pagkawala ng paningin sapagkat may ibang hukumang naglilitis sa kasong serious physical injury na nag-ugat sa reklamo ng dating kasamabahay.

Si Atty. Persida Rueda-Acosta, pinuno ng Public Attorney's Office ang tumulong kay Bonita Baran sa panahon ng paglilitis.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>