Ipinatalastas kahapon, Biyernes, ika-18 ng Agosto 2017, ni Robert Lighthizer, Trade Representative ng Amerika, ang pormal na pagsisimula ng imbestigasyon laban sa Tsina dahil sa di-umano'y pagnanakaw ng teknolohiya at likhang-isip.
Ang imbestigasyong ito ay batay sa Section 301 ng Trade Act of 1974 ng Amerika.
Nauna rito, ipinahayag na ng Tsina ang pagtutol sa plano ng Amerika hinggil sa pagsasagawa ng naturang imbestigasyon. Sinabi ng panig Tsino, na ito ay isang unilateral na hakbang, na labag sa mga regulasyon ng World Trade Organization.
Salin: Liu Kai