Dalawampu't tatlo (23) katao ang nasawi Sabado, Agosto 19, 2017 sa pagkadiskaril ng tren sa Uttar Pradesh ng India. Samantala, mahigit 70 iba pa ang nasugatan.
Ang mga nasugatan ay kasalukuyang nagpapagaling sa ospital.
Ayon sa panig pulisya ng lokalidad, dumating sa lugar na pinangyarihan ang mga rescue group at tauhang medikal para sa gawaing panaklolo.
Ipinatalastas ng Ministri ng Daambakal ng bansang ito ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa naturang insidente. Bukod dito, ipagkakaloob ng departamentong naturan ang mga subsidy sa mga biktima at nasugatan.