Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga pulis, kailangang siyasatin

(GMT+08:00) 2017-08-22 17:25:36       CRI

SINABI ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na magkakaroon ng pagsisiyasat sa mga pulis na sinasabing pumaslang sa 17-taong gulang na mag-aaral sa isang drug operation.

Sa press briefing kanina sa Malacanang, sinabi ni G. Abella na ang pulisya ay mayroong sariling mekanismo sa pamamagitan ng kanilang Internal Affairs Service na nagsisiyasat ng mga ginagawang labag sa batas ng kanilang mga tauhan.

Sa idinaos na briefing sa Malacanang, sinabi ni G. Abella bagama't sinabi ni Pangulong Duterte na ipagtatanggol niya ang mga alagad ng batas, hindi ito nangangahulugan na pagtatakpan niya ang mga paglabag sa batas ng mga pulis.

Samantala, sinabi naman ni Human Rights Commission Chairman Chito Gascon na lubha silang nababagabag sa serye mga pagpatay na naganap sa nakalipas na ilang araw.

Sa isa ring press briefing sa kanilang tanggapan sa Quezon City, sinabi ni Chairman Gascon na magpapatuloy silang manawagan sa pamahalaan at sa mga tauhan nitong kilalanin ang itinatadhana ng batas at huwag magpadalus-dalos sa pagpapatupad nito na nauuwi sa kaguluhan tulad ng pagkasawi ng mga pinaghihinalaang na sa iligal ng kalakal ng droga.

Inamin ni Chairman Gascon na nababahala na sila mula ng maupo si Pangulong Duterte noong nakalipas na taon. Ikinababahala din nila ang mga pahayag ng pangulo na tila nagbabasbas sa kanyang mga pulis na ituloy ang pagpatay tulad ng naganap sa Bulacan na ikinasawi ng 32 katao, pagkakaroon ng 25 napaslang sa Maynila, 24 sa nasasakupan ng Northern Police District, pito sa Cavite at isa sa Marikina.

Ipinaliwanag din ni G. Gascon na hindi sila magbibitiw ng sabay-sabay sa Commission on Human Rights sapagkat seryoso nilang ginagampanan ang kanilang sinumpaang tungkulin. Kahit pa kulang sa mga tauhan, umaasa siyang mabibigyan sila ng impormasyon ng mga biktima, mga karaniwang mamamayan, mga mamamahayag at maging ng mga alagad ng simbahan upang makarating ang katarungan sa lahat.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>