Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga bansang kalahok sa Belt and Road Initiative, makikinabang

(GMT+08:00) 2017-08-22 17:25:54       CRI

HIGIT na gaganda ang takbo ng ekonomiya ng mga bansang kalahok sa Belt and Road Initiative ng Tsina sapagkat magkakaroon ng sapat na kapital na babayaran sa matagal na panahon at sa mababang interes.

Ito ang ipinaliwanag ni Prof. Ruan Zongze ng China Institute of International Studies sa kanyang pagsasalita sa Ateneo de Manila University kanina. Nagbago na ang daigdig sa paglipas ng panahon at nais ng Tsinang magkatotoo ang pagpapasigla ng bansa at mga karatig-bansa.

Mas pinahahalagahan ng Tsina ang pakikipagtulungan kaysa bumuo ng alyansa sa mga kalapit-bansa. Mas mahalaga sa Tsina ang pakikipag-usap sa halip na mauwi sa kompromtasyon ang mga 'di pagkakaunawaan.

Nagtagumpay na rin ang Tsina sa pag-aangat mula sa kahirapan ng may 700 milyong katao sa nakalipas na 30 taon. Sa paglipas ng panahon, napatunayan ng Tsina na mahalaga ang pagkakaroon ng mga pagawaing-bayan.

Ipinaliwanag pa ni Prof. Ruan na matatagpuan sa Tsina ang pinakamalawak na rota ng daang-bakal na umaabot sa 20,000 milya. Sa programang ito, nangailangan ng mga trabahador, materyales, bakal at iba pang mahalaga sa pagtatayo ng magandang pagawaing-bayan.

Malaki umano ang ipinagbago ng relasyon ng Tsina at Pilipinas mula ng maluklok si Pangulong Duterte noong nakalipas na taon. Nasundan pa ito ng matagumpay na pagdalaw noong Oktubre 2016.

Mahalaga at matagal nang kasama ang Pilipinas sa sinaunang maritime silk road mga ilang daang taon na ang nakalilipas, Ipinaliwanag ni Prof. Ruan na tulad noon ay mahalaga pa rin ang Pilipinas sa makabagong silk road. Nagkasundo na ang dalawang bansang magkasama nilang susugpuin ang paglaban sa terorismo, anti-illegal drugs, pagawaing-bayan, ekonomiya at kalakal, kabutihan ng mga mamamayan, tanggulang pambansa, sining at kultura.

Malaki rin ang posibilidad na sabay na pagyananim ng Tsina at Pilpinas ang sinasabing oil field sa South China Sea. Ayon sa propesor, magaganap ito ng hindi sasagka sa mga batas ng dalawang bansa.

Kailangan lamang magkasundo ang dalawang panig na karapat-dapat at natatayang pagtutulungan sa bahagi ng South China Sea na pinaniniwalaang naglalaman ng natural gas at petrolyo. Noon pa mang 2004 o 2005 ay nagkasundo na ang Tsina at Pilipinas sa pagkakaroon ng joint exploration na sinabayan pa ng Vietnam.

Ani Prof. Ruan, makaka-asa ang Pilipinas sa pakikipagpalagayang-loob sa Tsina sapagkat sa dinami-dami ng mga kalapit bansa, may 12 kasunduang lalagdaan at tanging dadalawa na lamang ang'di pa nagtatapos.

Umalalay din ang Tsina sa pagbuo ng ASEAN + 1 at lumagda kaagad sa Treaty of Amity and Cooperation at ASEAN Free Trade Agreement upang mapanatili ang kaayusan sa rehiyon.

Kung hindi umano kinikilala ng Tsina ang karapatan ng Pilipinas, malamang na gumawa na lamang ang Tsina ng sariling exploration sa South China Sea.

Binigyang-diin pa ni Prof. Ruan na nagkasuno ang Tsina at ang sampung foreign minister ng ASEAN hinggil sa Code of Conduct sa South China Sea.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>