Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Naganap sa Barcelona, kinondena ng Pilipinas

(GMT+08:00) 2017-08-22 17:26:08       CRI

NAKIISA ang Pilipinas sa pandaigdigang komunidad sa pagkondena sa terorismong naganap sa Barcelona sa España na ikinasawi ng 13 katao at ikinasugat ng higit sa 100 iba pa.

Ipinarating ng Department of Foreign Affairs ang pakikiramay sa Pamahalaan ng España, sa mga nasawi at mga nasugatan.

Kinondena ng Pilipinas ang naganap sa mga walang kamuwang-muwang na kalalakihan, kababaihan at mga kabataan. Ito ang pahayag ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter S. Cayetano.

Nabatid rin mula sa Philippine Honorary Consul sa Barcelona na naganap ang pananalakay sa isang tourist area sa lungsod. Nagtungo ang honorary consul sa mga pagamutan matapos ding mabalitaang mayroong isang Irish family na may dugong Pinoy na binubuo ng apat katao ang nadamay sa terorismo. Nakalabas na sa pagamutan ang mag-ina subalit ang ama at anak niyang lalaki ay kasalukuyang ginagamot at tinutulungan ng Irish Embassy sa Madrid at ng Honorary Consul ng Pilipinas sa Barcelona.

May ugnayan na rin ang Embahada ng Pilipinas sa Madrid at ang Konsulado sa Barcelona upang matiyak na ligtas ang may 20,000 mga Filipino sa lungsod at naganap ang pananalakay dalawang araw matapos manawagan si Secretary Cayetano sa higit sa 10 milyong mga Filipino sa ibang bansa na maging maingat sa anumang magaganap sa kanilang kinaroroonan.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>