Binuksan ngayong araw, Miyerkules, ika-23 ng Agosto 2017, sa Beijing, ang Ika-24 na Beijing International Book Fair (BIBF).
Kalahok sa kasalukuyang perya ang mahigit 2500 eksibitor mula sa 89 na bansa at rehiyon ng daigdig. Itinatanghal dito ang mahigit 300 libong bagong babasahing inilimbag sa daigdig. Ang peryang ito ay naging ikalawang pinakamalaking book fair sa daigdig.
Ang isang tampok ng kasalukuyang perya ay kooperasyon ng Tsina at ibang mga bansa sa kahabaan ng Belt and Road sa copyright. Sapul noong 2014, mabilis na lumalaki ang bilang ng copyright trade ng Tsina at mga bansang nabanggit, at umabot sa 20% ang taunang paglaki ng mga ito. Sa peryang ito, umaasa ang mga publishing house ng Tsina, na ibayo pang mapapasulong ang copyright trade sa ibang mga bansa sa kahabaan ng Belt and Road.