Sa isang pahayag na ipinalabas Agosto 24, 2017 ng Ministring Panlabas ng Malaysia, sinabi nitong dadalaw sa Amerika si Punong Ministrong Najib Tun Razak, mula sa ika-12 ng Setyembre, 2017.
Anito, sa pananatili sa Amerika, makikipag-usap si PM Najib Tun Razak kay Pangulong Donald Trump hinggil sa mga isyung may-kinalaman sa seguridad ng estado, pagbibigay-dagok sa terorismo at ekstrimismo, pamumuhunan, kalakalan, at iba pa.
Bilang estratehikong magkatuwang, naitatag ang diplomatikong relasyon ng Amerika at Malaysia, noong 1957.