Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Charge d'affaires ng Tsina sa ASEAN at Puno ng ERIA, nagtagpo

(GMT+08:00) 2017-08-31 10:35:31       CRI
Nagtagpo Martes, Agosto 29, 2017 sa Jakarta sina Jiang Qin, Charge d'affaires ng Tsina sa Association of Southeast Asian Nations, at Hidetoshi Nishimura, Puno ng Economic Research Institute for ASEAN and East Asia (ERIA). Nagpalitan sila ng palagay hinggil sa mga isyu na gaya ng konstruksyon ng ASEAN Economic Community, integrasyong pangkabuhayan ng Silangang Asya, proseso ng talastasan ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) at pag-uugnay ng "Belt and Road" Initiative at estratehiya ng pag-unlad ng ASEAN.

Ipinahayag ni Jiang na ang ERIA ay mahalagang organisasyon sa Silangang Asya sa pananaliksik ng kabuhayan. Sinabi niyang kinakatigan ng panig Tsino ang mga akademikong pananaliksik ng ERIA.

Umaasa aniya siyang mapapahigpit ng Tsina at ERIA ang magkasanib na pananaliksik sa isyu ng pag-uugnay ng "Belt and Road" Initiative at Master Plan on ASEAN Connectivity 2025.

Ipinahayag naman ni Hidetoshi Nishimura na ang Tsina ay miyembro ng Board of Directors ng ERIA at gumaganap ito ng mahalagang papel sa pag-unlad ng ERIA nitong mga taong nakalipas. Umaasa aniya siyang mapapahigpit ng ERIA at Tsina ang mga kooperasyon sa mga larangan ng kabuhayan, kalakalan, at enerhiya. Ito aniya ay para ibayo pang pasulungin ang pag-unlad ng kooperasyong pangkabuhayan ng Silangang Asya.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>