Texas, Estados Unidos—Ayon sa pinakahuling ulat mula sa opisyal lokal, mga 40 katao ang nasawi o pinangangambahang nasawi dahil sa bagyong Harvey at dulot nitong matinding baha na pinakamalakas nitong nakalipas na kalahating siglo.
Samantala, inaalam pa rin ng mga tauhang medikal kung alin sa mga pagkamatay ay may kinalaman sa nasabing bagyo. Patuloy pa rin ang paghahanap ng mga bangkay ng mga nasawi.
Isang lalaking naglalakad sa binahang paradahan sa Port Arthur, Texas, Estados Unidos, Aug. 31, 2017. (Photo source: Xinhua)
Salin: Jade
Pulido: Mac