Nanning, Tsina-Nakatakdang idaos ang 14th China-ASEAN Business and Investment Summit, mula Setyembre 12-14, 2017. Ang tema ng pagtitipong ito ay: "Magkasamang Pagtatatag ng Silk Road sa Karagatan sa Ika-21 Siglo; Pagpapasulong ng Rehiyonal na Integrasyong Pangkabuhayan sa Pamamagitan ng Turismo."
Kaugnay nito, ipinahayag Setyembre 4, 2017 ni Ding Yuanlong, Pangalawang Puno ng Sekretaryat ng China-ASEAN Business and Investment Summit na mapapasulong ng summit ang pagtutulungan ng dalawang panig sa larangan ng business law, na gaya ng paglalagda sa memorandum of understanding hinggil sa pagtutulungan ng China-ASEAN Business Law Committee, pagtatatag ng mga may-kinalamang mekanismong pangkooperasyon, pagpapalalim ng serbisyo ng bilateral business law, at iba pa. Aniya, mapapasulong din sa summit ang multilateral na mekanismong pangkooperasyon sa pagitan ng China-ASEAN at mga iba pang bansa't rehiyon.