Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Tsino, bumati sa 2017 China-Arab States Expo

(GMT+08:00) 2017-09-06 14:54:36       CRI

Yinchuan, probinsyang Ningxia ng Tsina — Binuksan Miyerkules, Setyembre 6, 2017, ang 2017 China-Arab States Expo. Ipinadala ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensahe bilang pagbati sa pagdaraos ng ekspong ito.

Sa mensahe, tinukoy ni Pangulong Xi na ang Tsina ay mainam na kaibigan at katuwang ng mga bansang Arabe. Aniya, sa ilalim ng malalimang pagsulong ng globalisasyong pangkabuhayan, ang Tsina at mga bansang Arabe ay nagiging mahalagang magkatuwang sa konstruksyon ng "Belt and Road." Nagiging mas malawak ang mga larangang pangkabuhayan, at mas marami ang mga natamong bunga ng dalawang panig, aniya ng pangulong Tsino.

Dagdag pa ni Xi, nakahanda ang Tsina na magsikap kasama ng iba't-ibang bansang kinabibilangan ng mga bansang Arabe, upang mapasulong ang konstruksyon ng "Belt and Road," at magkakasamang mapangalagaan ang kapayapaan.

Salin: Li Feng

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>