Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mas mataas na inflation, napuna noong nakalipas na buwan

(GMT+08:00) 2017-09-06 16:26:12       CRI

TUMAAS ang inflation sa pagtaas ng presyo ng pagkain, pamasahe, tubig, kuryente at gasolina noong nakalipas na buwan.

Ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority, tumaas ang headline inflation sa 3.1 percent noong Agosto mula sa 2.8 percent noong nakalipas na Hulyo.

Ang core inflation na hindi kinabibilangan ng volatile food and energy prices, ay tumaas din ng 3.0 percent noong Agosto at mas mataas sa revised 2.8 percent noong Hulyo.

Mas mataas ito ng bahagya sa market expectations na 3.0 percent subalit na sa loob pa rin ng target ng pamahalaan na mula dalawa hanggang apat na porsiyento.

Ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Ernesto M. Pernia, mananatili ang inflation sa target ng pamahalaan sa taong ito kahit pa tumaas sa ikalawang pagkakataon ngayong 2017. Mananatiling mapagbantay ang pamahalaan sa upside at downside risks, dagdag pa ng kalihim.

Tumaas ang food inflation at nakamtan ang 3.7 percent noong Agosto mula sa 3.4 percent noong Hulyo ng 2017. Ito ay dahilan sa pagtaas ng presyo ng gulay, isda, mais, harina, tinapay at iba pang mga butil. Isang dahilan din ang bagyong "Jolina" na nakaapekto sa pagsasaya sa Central Luzon, lalo na sa lalawigan ng Aurora.

Ang non-food inflation ay tumaas asa 2.7 percent mula sa 2.4 percent noong Hilyo dahilan sa mas mabilis na paggalaw ng presyo sa transport, housing, recreation and culture, communication, restaurants, water, electricity at gas.

Sa pagtaas ng pangangailangan sa petrolyo, partikular sa unleaded gasoline, disel, keresene at liquified petroleum gas ang nagpataas sa inflation sa transport sector.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>