Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga obispo nanawagan sa pamahalaang itigil na ang mga pagpatay

(GMT+08:00) 2017-09-13 17:31:50       CRI

NANAWAGAN ang mga obispo sa pamahalaan na wakasan na ang serye ng mga pagpatay kasabay ng kahilingang papanagutin ang mga nasa likod ng serye ng krimen.

Sa isang pahayag sa ngalan ng CBCP permanent council, sinabi ni CBCP President at Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates B. Villegas na ang bansa ay nagkasala at nakipagsabwatan sa mga pumatay dahil sa katahimikan at 'di pagkilos.

Nanawagan si Arsobispo Villegas sa mga pari at mga mananampalataya na makiisa sa pagdarasal sa susunod na 40 araw, pagdupikal ng mga kampana at pagsisindi ng mga kandila sa alala ng mga napaslang. Humiling din siya ng tulong para sa mga naulila.

Sa ngalan ng Diyos, itigil ang mga pagpatay at nawa'y makarating ang katarungan ng Diyos sa mga nararapat managot.

Ayon sa pahayag, sina Kian, Carl at Reynaldo ay mga batang lalaking masayang nabubuhay, mapagmahal na mga supling ng kanilang mga magulang. Ngayon ay batid na ng buong bansa ang kanilang mga pangalan sapagkat kinitil ang kanilang buhay, natuldukan ang kanilang mga pangarap sa kanilang pagkasawi.

Inilabas ng CBCP ang pahayag kasunod ng kaduda-dudang pagkamatay nina Kian Loyd Delos Santos, Carl Angelo Arnaiz at isang Reynaldo "Kulot" De Guzman.

Idinagdag pa ni Arsobispo Villegas na hindi nararapat manatiling bahagi ng bilang o datos ang kanilang pagkamatay sapagkat malaki ang posibilidad na madagdagan pa ang mga biktima ng kawalan ng katarungan.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>