Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kooperasyong Sino-Cubano, isinusulong

(GMT+08:00) 2017-09-23 15:31:09       CRI

New York — Sa kanyang pakikipagtagpo Biyernes, Setyembre 22, 2017, sa kanyang Cuban counterpart na si Bruno Rodríguez Parrilla, muling ipinaabot ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina ang pakikiramay sa Cuba na sinalanta ng Hurricane Irma. Ipinahayag niya ang paniniwalaang sa ilalim ng pamumuno ng Partido Komunista ng Cuba at pamahalaan, tiyak na mapagtatagumpayan ng mga mamamayang Cuban ang kalamidad at mapapanumbalik ang normal na pamumuhay.

Tinukoy din ni Wang na sa harap ng masalimuot na kalagayang panrehiyon at pandaigdig, dapat palakasin ng Tsina at Cuba ang pagkokoordinahan at palalimin ang kanilang estratehikong relasyong pangkooperasyon. Patuloy aniyang kakatigan ng panig Tsino ang makatarungang usapin ng Cuba sa pagtatanggol ng soberanya ng bansa at pagtutol sa blokeyo ng Amerika.

Pinasalamatan naman ng panig Cubano ang ibinibigay na tulong ng Tsina sa pakikibaka nito laban sa kalamidad. Aniya, nitong ilang taong nakalipas, mainam ang pag-unlad ng relasyong Cubano-Sino, at walang humpay na sumusulong ang kanilang pragmatikong kooperasyon. Nagpahayag din siya ng pasasalamat ng partido, pamahalaan, at mga mamamayang Cubano sa ibinibigay na pagkatig ng Tsina sa lehitimong usapin nito sa mahabang panahon.

Salin: Li Feng

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>