Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga personahe ng ASEAN, positibo sa talumpati ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Interpol General Assembly

(GMT+08:00) 2017-09-27 12:26:09       CRI

Sa seremonya ng pagbubukas ng taunang pulong ng Ika-86 na Interpol General Assembly Martes, ika-26 ng Setyembre, 2017, bumigkas ng talumpati si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kung saan binigyang-diin niyang magkakasamang itatatag ng Tsina, kasama ng mga pamahalaan at organo ng pagpapatupad ng batas ng iba't ibang bansa, at mga organisasyong pandaigdig ang community of common destiny na unibersal na kaligtasan. Binigyan ng positibong pagtasa ang mga dalubhasa at iskolar ng mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang nasabing talumpati ni Xi.

Ipinalalagay ni Bambang Suryono, Tagapangulo ng Sentro ng Pananaliksik sa Inobasyon ng Asya, think tank ng Indonesia, na pragmatiko at malalim ang 4 na paninindigang iniharap ni Pangulong Xi. Aniya, gumawa si Xi ng tumpak na pagtasa sa mga mahalagang problemang kinakaharap ng kasalukuyang pagsasaayos sa katiwasayan ng buong mundo, at nagharap ng plano ng Tsina sa landas at paraan ng pagsasakatuparan ng magkasamang pagsasaayos ng buong mundo.

Malaliman naman ang impresyon ni Ei Sun Ho, Punong Tagapayo ng Sentro ng Pananaliksik sa Pasipiko ng Malaysia, sa plano ng Tsina sa aktibong pakikisangkot sa pagpapataas ng kakayahan sa pagpapatupad ng batas ng mga umuunlad na bansa sa darating na 5 taon. Aniya, ang pagpapalitan ng impormasyon at pagsasanay sa pagitan ng mga kapulisan ng iba't ibang bansa ay pinakamahalagang tungkulin ng Interpol. Nangako aniya ang Tsina na tutulong sa mga umuunlad na bansa sa pagsasanay ng mga tauhan ng pagpapatupad ng batas, at magbibigay-tulong sa pagtataas ng antas ng sistema ng telekomunikasyon ng Interpol at laboratoryo ng imbestigasyon sa kasong kriminal, tiyak na malugod na tatanggapin ang ganitong aksyon ng iba't ibang bansa.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>