Idinaos kahapon, Oktubre 9, 2017 sa Phnom Penh ang seremonya ng pagbubukas ng Lanmei Airlines na magkasamang inihandog ng Tsina at Kambodya.
Dumalo ng nasabing seremonya ang halos 200 tao mula sa iba't ibang sektor ng Kambodya at Tsina na kinabibilangan nina Hor Namhong, Pangalawang Punong Ministro ng Kambodya, Xiong Bo, Embahador ng Tsina sa Kambodya, Li Kun, Presidente ng Lanmei Airlines at iba pa.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Hor Namhong na ang One Belt at One Road Initiative (DBOR) na iniharap ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina para sa komong kasaganaan ay malaking nagpasulong ng pagtatatag ng imprastruktura ng Kambodya. At ang Lanmei Airlines aniya ay tiyak na magiging pangunahing expressway sa himpapawid sa pagitan ng Kambodya, Tsina at ibang bansa sa rehiyong ito at ihahatid ang mas maraming turista sa Kambodya.