Nakipagkooperasyon kamakailan ang Asset Bright Public Co. Ltd (ABC) ng Thailand sa Ksher Company ng Tsina at matagumpay na inaangkat ang WeChat Pay sa pamilihang Thai para makapagbigay ng ginhawa sa mga turistang Tsino.
Ayon kay Jiraphat Veerachayathaongkam, Pangalawang Presidente ng ABC na hanggang sa kasalukuyan, may 500 tindahang Thai ang gumagamit ng WeChat Pay at lumampas na sa 700 milyong person times ang kabuuang bolyum ng paggamit. At tinataya pa niyang aabot sa 10 libo ang mga tindahang Thai na gagamit ng nabanggit na serbisyong pinansiyal sa taong ito.