Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Health Secretary Ubial, tinanggihan ng Commission on Appointments

(GMT+08:00) 2017-10-11 12:13:40       CRI

HINDI na makapaglilingkod bilang Secretary of Health si Dr. Paulyn Jean Rossell-Ubial matapos tanggihan ng Commission on Appointments ang kanyang appointment.

Dumaan sa secret voting ang proseso sa isang executive session. Nagsagawa mg tatlong pagdinig ang Commission on Appointments Committee on Health. May mga humadlang sa kanyang appointment.

Si Dr. Ubial ang ika-limang hinirang ni Pangulong Duterte na tinanggihan ng Commission on Appointments. Unang tinanggihan si Foreign Secretary – Designate Perfecto R. Yasay, Jr., Environment Secretary Regina Lopez, Social Welfare Secretary Judy Taguiwalo at ang pinakahuli ay si dating Congressman Rafael "Ka Paeng" Mariano ng Department of Agrarian Reform.

Naging emosyonal si Secretary Ubial ng tanungin kung nais pa niyang maglingkod sa pagkakaroon ng maraming oposisyon.

Sinabi ni Dr. Ubial na sa likod ng mga oposisyon sa kanyang appointment lalo na ang mga nagtatanong kung may kakayahan siyang maglingkod, nananatili umano ang kanyang katapatan sa pangulo. Maglilingkod umano siya hanggang gusto ng pangulo.

Dumalo sa pagdinig si dating PhilHealth interim president at chief executive officer Hildegarde Dineros na nagsabing nagkalat ng tsismis si Secretary Ubial ng sabihin niyang nagbitiw na siya sa puesto sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate Committee on Health.

Idinagdag pa ni G. Dineros na walang kakayahang magpatakbo ng tanggapan si Secretary Ubial. Pinabulaanan naman ni Dr. Ubial ang pahayag ni G. Dineros.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>