Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Manggagamot na naging pari, namayapa na sa edad na 75

(GMT+08:00) 2017-10-11 12:16:43       CRI

FR. ARCHIE INTENGAN, SJ MD PUMANAW NA.  Namayapa na si Fr. Archie Intengan, dating propesor ng surgery sa Philippine General Hospital bago pumasok sa Society of Jesus.  Isa sa kinikilalang matatalino sa mga Jesuita si Fr. Archie na naglingkod bilang Provincial ng kanilang kongregasyon mula 1998 hanging 2004.  Huli siyang lumahok sa Wednesday Roundtable @ Lido noong nakalipas na iba-20 ng Setyembre sa paksang "Federalism."  (Melo M. Acuna)

PUMANAW na si Fr. Romeo "Archie" J. Intengan kaninang umaga matapos atakehin sa puso sa edad na 75.

Si Fr. Archie ay isa sa mga propesor ng surgery sa University of the Philippines – Philippine General Hospital bago siya pumasok sa Society of Jesus noong ika-25 ng Hulyo, 1970. Naordenan sa pagkapari noong ika-27 ng Marso 1977 at nahalal na provincial o pinuno ng kanilang kongregasyon sa buong bansa mula 1998 hanggang 2004.

Nakilala siya sa kanyang paninindigan laban sa Batas Militar ni Ferdinand Marcos. Bumalik siya sa bansa matapos mawala sa poder si G. Marcos. Pansamantala siyang nanirahan sa Malaysia.

Pumanaw siya samantalang dinadala sa pagamutan kaninang umaga.

Ngayong gabi magsisimula ang paglalamay sa Oratory of St. Ignatius sa Loyola House of Studies at magkakaroon ng Misa sa bawat ika-walo ng gabi. Nakatakdang idaos ang funeral mass sa Sabado, ika-walo ng umaga sa Oratory of St. Ignatius sa loob ng Ateneo de Manila University campus.

Ihahatid sa huling hantungan ang kanyang labi sa Sacred Heart Novitiate sa Novaliches, Quezon City pagkatapos ng Misa. Naulila niya ang kanyang mga kapatid na sina Glicerio at Alexa Intengan.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>